MANILA, Philippines- Namataan ng Philippine Navy (PN) ang 98 iba’t ibang uri ng Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 7 hanggang 13.
Batay sa datos na inilabas ng PN nitong Miyerkules, na-monitor nito ang mga sumusunod:
Walong China Coast Guard Vessels (CCGVs), dalawang People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships at 18 Chinese maritime militia vessels (CMMVs) sa Bajo de Masinloc;
Anim na CCGVs at 25 CMMVs sa Ayungin Shoal;
Dalawang CCGVs, dalawang PLAN ships at 24 CMMVs sa Pagasa Island;
Isang PLAN at dalawang CMMVs sa Kota Island;
Isa CMMV sa Likas Island;
Apat na CMMVs sa Panata Island;
Dalawang CMMVs at isang Chinese cargo ship sa Patag Island.






