Home HOME BANNER STORY Symbolic markers sa PH EEZ matagumpay na nailagay sa WPS civilian mission

Symbolic markers sa PH EEZ matagumpay na nailagay sa WPS civilian mission

Larawan mula sa Atin Ito Coalition

MANILA, Philippines- Matagumpay na nakapaglagay ng symbolic markers sa Philippine exclusive economic zone (EEZ) sa isinagawang civilian mission ng Atin Ito Coalition nitong Miyerkules.

Ibinahagi ng grupo ang video ng paglalagay ng buoys na may katagang “WPS ATIN ITO!” o “WPS is ours!”

Sumunod namang namahagi ng suplay tulad ng gasolina at food packs sa mga mangingisda sa lugar.

Hindi binanggit ng Atin Ito ang kanilang eksaktong lokasyon dahil sa dahilang panseguridad.

Itinuloy ang civilian mission sa kabila ng mga ulat ng malaking pwersa ng Chinese vessels na patungo sa Scarborough Shoal.

Umalis ang convoy sa Zambales ng alas-7:30 ng umaga.

Higit 200 volunteers kabilang ang crew members ang sakay ng limang commercial vessels habang 100 mangingisda naman ang lulan ng mga maliliit na banngka .

Kabilang sa mga organisasyon na nakilahok sa civilian mission ay ang mga sumusunod;

  • New Masinloc Fishermen’s Associations

  • Subic Commercial Fishing Association Inc.

  • Mabayo Agri Aqua Association in Bataan

  • Pambansang Katipunan ng Samahan sa Kanayunan (PKSK)

  • Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA)

  • Center for Agrarian Reform, Empowerment and Transformation (CARET)

  • Akbayan Youth

  • Student Council Alliance of the Philippines (SCAP)

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinitiyak nito ang kaligtasan ng mga kalahok sa civilian mission sa gitna ng presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal. Jocelyn Tabangcura-Domenden