Home HOME BANNER STORY Hiwalay na substitution period para sa mga kandidato kinalos ng Comelec

Hiwalay na substitution period para sa mga kandidato kinalos ng Comelec

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules na nagdesisyon itong isagawa ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) at ang withdrawal at substitution ng mga kandidato sa parehong period. 

“Wala nang substitution after the last day ng filing ng COC,” pahayag ni Comelec chairman George Garcia.

Ani Garcia, nagdesisyon ang en banc na aprubahan ang kanyang panukala na isabay sa October 1 hanggang 8 na panahon ng paghahain ng COC ang pagkakasa ng withdrawal at substitution.

Binanggit ng Comelec chairman na papayagan lamang ang substitution lampas sa Oct. 8 deadline sakaling masawi o madiskwalipika ang kandidato.

Karaniwan nang nagkakasa ang Comelec ng hiwalay na petsa ng paghahain ng COC at ng withdrawal at substitution ng mga kandidato.

Subalit, sa kamakailang election cycles, ginagamit ng iba ang timeline upang makapagtalaga ang political parties ng “placeholder” candidates na intensyong palitan bago ang deadline. RNT/SA