MANILA, Philippines- Ipinalabas ng National Amnesty Commission (NAC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa amnesty applications.
Nakasaad sa IRR na ang mga indibidwal na naghahangad ng amnestiya ay kailangang magsumite ng kanilang aplikasyon sa anumang Local Amnesty Board (LAB), kung saan isasagawa ang inisyal na eligibility assessments.
Matapos ito ay ipadadala naman ng LAB ang rekomendasyon nito sa NAC, kung saan muling rerebisahin at ipapasa ang kanilang rekuomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa “final approval.”
Sinabi ng NAC na sa mga kaso naman kung saan ang aplikante ay nahaharap sa arrest warrants na nagnanais na magsumite nang personal ng kanilang aplikasyon sa LAB, mayroon silang opsyon na mag-request ng mas maagang provisional safe conduct pass mula sa kani-kanilang LAB.
Tinuran pa ng NAC na iyon namang nasa detention facilities na naghahangad din ng amnesty ay bibigyan ng tulong mula sa kanilang supervisory officers sa loob ng kanilang detention centers.
Samantala, ang mga aplikante naman na nakatira sa ibang bansa ay maaaring mag-apply para sa amnestiya sa pamamagitan ng Philippine consulate sa kanilang kasalukuyang bansa na kanilang tinitirhan.
Ikinatuwa naman ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez, Jr. ang pagpapalabas ng IRR para sa amnesty proclamations na opisyal na ini-adopt ng body noong Marso 14, 2024.
“We congratulate the NAC for releasing the IRR for Amnesty Proclamation Nos. 403, 404, 405, and 406 that were issued by President Ferdinand R. Marcos, Jr. We are very pleased with this development,” ayon kay Galvez.
“With the issuance of the IRR, former rebels who have turned away from armed struggle and laid down their arms will be able to complete their normalization and transition to mainstream society as peaceful, productive and law-abiding citizens,” dagdag na wika nito.
Binigyang-diin ni Galvez na ang mga dating rebelde ay maaari nang ganap na magbago kasunod ng pagpapalabas ng IRR.
“Without amnesty, we cannot have a full transformation to former rebels. Transformation is the central part in the implementation of the peace agreement,” ayon kay Galvez.
Sinabi naman ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process na ang mga krimen na saklaw ng amnesty proclamations ay ang “rebellion or insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees; inciting to rebellion or insurrection; sedition; conspiracy to commit sedition; inciting to sedition; illegal assembly; illegal association; direct assault; indirect assault; resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person; tumults and other disturbances of public order; unlawful use of means of publication andunlawful utterances; alarms and scandals; illegal possession of firearms, ammunition or explosives; and those charged, detained or convicted of common crimes but who can establish by substantial evidence that they have actually committed said crimes in pursuit of political beliefs.”
Sa kabilang dako, ang mga krimen na hindi saklaw ng amnesty proclamations ay ang “kidnap for random; massacre; rape; other crimes committed against chastity as defined in the Revised Penal Code as amended; crimes committed for personal ends; violation of Republic Act No. 9165; grave violations of the Geneva Convention of 1949; and those crimes identified by the United Nations that can never be amnestied.” Kris Jose