Home ENTERTAINMENT Trophy ni Niño, nabenta ng kalahating milyon!

Trophy ni Niño, nabenta ng kalahating milyon!

Manila, Philippines- Paglilinaw muna: hindi si Niño Muhlach ang may gustong ibenta ang kanyang Best Actor trophy sa Famas kundi mismong si Boss Toyo.

Interesado kasi ang negosyanteng namimili ng mga memorabilia ng mga artista kung ano ang maaari niyang makuha of the former child wonder.

Napili nga ni Niño ang kanyang kauna-unahang Best Child Actor trophy para sa pelikulang Kutong-Lupa noong 1977.

Unang diga ni Boss Toyo ay P100,000. Unabot ng P200,000 hanggang nagkasarahan sa kalahating milyong piso.

Ang mahigpit na pakikipagkamay ni Onin kay Boss Toyo ang naging hudyat ng pagpayag nito sa presyo.

All throughout the transaction ay kasama ng dating child wonder ang kanyang mga anak na sina Zandro at Alonzo.

Bale ang ibinentang tropeo ni Niño ay isa lang sa anim niyang Best Child Actor trophies mula sa Famas.

Dahil napabayaan na rin ni Niño, nais niyang makitang restored ang itsura nito.

Mangyayari lang daw ‘yon sa itatayong museum ni Boss Toyo na maglalaman ng lahat ng mga nakulekta niyang souvenirs mula sa mga artista.

Dahil nabili ng P500,000 ang trophy ni Niño ay hindi maiaalis na ikumpara ito sa Urian Best Actor trophy ni Jiro Manio.

Nanalo para sa kanyang pagganap sa pelikulang Magnifico, P75,000 lang naibenta ni Jiro ang kanyang trophy.

Inisip tuloy ng mga netizens na mas mahal kapag ang tropeo ay galing sa Famas kumpara sa Urian.

Kinontra naman ito ng ilang netizens.

Kaya naman kasi ganoon lang ang presyo ng kay Jiro ay dahil wala naman ang kanyang pangalan sa trophy.

Kalabisan na rin siguro kung ihahambing ang dalawang dating child actor, kung sa dami ng mga pelikula at mga kinita nito ang pag-uusapan.

Para sa mga Pinoy na nasubaybayan ang career ni Niño, walang makakapantay sa naabot ng dating child wonder na producer din ng D’Wonder Films.

Not even Aiza Seguerra during her time can hold a candle to Niño. Ronnie Carrasco III