Home NATIONWIDE PH passport ika-78 sa Henley Passport Index

PH passport ika-78 sa Henley Passport Index

MANILA, Philippines- Bumaba ang Philippine passport sa ika-78 mula sa 109 sa pinakabagong 2024 Henley Passport Index (HPI).

Mas mababa ng limang puntos ang kasalukuyang ranking ng bansa, hanggang nitong February 29, 2024, kumpara sa January 2024 ranking nito sa ika-63 pwesto.

Subalit, nananatili ang bilang ng mga bansang maaaring puntahan ng Philippine passport carriers nang visa-free sa 69.

Ayon sa kompanyang Henley & Partners, kinukumpara ng HPI na nangangasiwa sa global index ng passport power, ang visa-free access ng 199 iba’t ibang pasaporte sa 227 travel destinations.

Nagbibigay ito ng score base sa bilang ng mga destinasyong maaaring puntahan ng holder nang visa-free.

“Updated monthly, the Henley Passport Index is considered the standard reference tool for global citizens and sovereign states when assessing where a passport ranks on the global mobility spectrum,” ayon sa kompanya sa website nito.

Samantala, narito ang mga bansa sa Top 10 spots para sa strongest passports, base sa pinakabagong HPI:

  • France, Germany, Italy, Japan, Singapore, Spain (194 bansa)

  • Finland, Netherlands, South Korea, Sweden (193)

  • Austria, Denmark, Ireland, Luxembourg, United Kingdom (192)

  • Belgium, Norway, Portugal (191)

  • Australia, Greece, Malta, New Zealand, Switzerland (190)

  • Canada, Czechia, Poland, United States (189)

  • Hungary, Lithuania (188)

  • Estonia (187)

  • Latvia, Slovakia, Slovenia (186)

  • Iceland (185)

Huli naman sa listahan ang Afghanistan sa ika-109, na mayroon lamang 28 bansang mapupuntahan ng Afghan passport holders nang visa-free. 

Sinundan ito ng Syria sa 29 bansa ; Iraq, 31; Pakistan, 34; Yemen, 35; at Somalia sa 36. RNT/SA

Previous articleSocial protection package pinaplantsa na ng Pinas,  Australia
Next articleKoleksyon ng BOC noong Pebrero lampas sa target