Home NATIONWIDE Koleksyon ng BOC noong Pebrero lampas sa target

Koleksyon ng BOC noong Pebrero lampas sa target

MANILA, Philippines- Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na muli nilang nilagpasan ang target nilang koleksyon nitong buwan ng Pebrero 2024.

Ayon sa BOC, umabot sa P70.601 bilyon ang kanilang koleksyon sa nabanggit na buwan kung saan mas mataas ng 6.64% o P4.393 bilyon sa target nito na P66.207 bilyon.

Nabatid na mas lumago ang koleksyon ng BOC nitong buwan ng Pebrero ng P10.444 bilyon o 7.82% kumpara sa koleksyon noong 2023 para sa parehong panahon. Ang kapansin-pansing pagtaas na ito ay nagbibigay-diin sa pangako ng BOC para sa kahusayan at dedikasyon sa pagpapahusay ng pagganap ng koleksyon nito.

“Several factors contributed to the surge in BOC collection, including the agency’s higher assessment rate due to improved system of determining the customs value of imported goods. Through enhanced strategies and technological advancements, the BOC has optimized its procedures and trade facilitation efforts,” giit ng BOC. JAY Reyes

Previous articlePH passport ika-78 sa Henley Passport Index
Next articlePNP: Pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifle ‘di maaabuso