Home NATIONWIDE PH Red Cross naglatag ng medical tents sa Bogo para sa mga...

PH Red Cross naglatag ng medical tents sa Bogo para sa mga biktima ng lindol

320
0

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng Philippine Red Cross (PRC) ang paglalagay ng nasa dalawang air-conditioned medical tents para sumuporta sa healthcare capacity ng Bogo City na napuruhan sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa northern Cebu.

Ayon sa PRC, ang mga tent ngayon ay “now fully functional” sa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City.

Mayroon itong mga healthcare worker at 20-bed extension ward, at stabilization area para sa mga pasyente.

Makatutulong ito sa pagpapaluwag ng mga ospital at para sa mga pasyenteng hindi na matutugunan sa loob ng mga medical facility.

Hanggang nitong Biyernes, sinabi ng PRC na nasa 30 pasyente na kinakailangan ng agarang medical attention ang ginamot sa loob ng mga tent.

“To sustain operations, PRC has mobilized a dedicated team of 2 doctors, 5 nurses, and 12 student nurses — all working tirelessly to care for the heavily affected earthquake population,” ayon sa PRC.

Samantala, iniulat din ng Philippine Red Cross na nakapamahagi ito ng 49,000 litro ng malinis na tubig noong Huwebes at Biyernes sa 784 pamilya o nasa 2,500 indibidwal sa iba’t ibang barangay sa Bogo City.

Ang mga barangay na nakatanggap ng malinis na suplay ng tubig ay ang Binabag, Anonang Sur, at Gairan.

“Kapag may sakuna, hindi puwedeng maghintay ang pangangailangan ng tao. Dapat maagap, dapat tuloy-tuloy, at dapat abot sa pinaka-apektado,” saad sa pahayag ni PRC Chairman Richard Gordon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here