Home NATIONWIDE PH tinanggal sa listahan ng ‘high-risk’ countries para sa ‘dirty money, financial...

PH tinanggal sa listahan ng ‘high-risk’ countries para sa ‘dirty money, financial crimes’

MANILA, Philippines- Tinanggal ng European Commission, ang executive body ng European Union (EU), ang Pilipinas mula sa listahan nito ng high-risk countries na mino-monitor ng bloc para sa money laundering at terrorism financing.

Inanunsyo ng European Commission na inalis ang Pilipinas, maging ang Barbados, Gibraltar, Jamaica, Panama, Senegal, Uganda, at ang United Arab Emirates, mula sa updated na listahan ng high-risk jurisdictions para sa financial crimes.

“The updated list takes into account the work of the Financial Action Task Force (FATF) and in particular its list of ‘Jurisdictions under Increased Monitoring’,” pahayag ng EU body.

“As a founding member of FATF, the Commission is closely involved in monitoring the progress of the listed jurisdictions, helping them to fully implement their respective action plans agreed with FAFT. Alignment with FATF is important for upholding the EU´s commitment to promoting and implementing global standards,” dagdag nito.

Matatandaang inanunsyo ng FATF noong Pebrero na ang Pilipinas ay hindi na mahigpit na binabantayan para sa money laundering at financing of terrorism o wala na sa ilalim ng “grey list.” 

Pahayag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr., “This is good news, but we will still need a yes vote by the EU Parliament.” RNT/SA