Manila, Philippines – Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “mainit na ugnayan” ng Pilipinas sa Ukraine sa isang opisyal na tawag kay President Volodymyr Zelenskyy noong Huwebes.
Ayon sa kalatas ng Pangulo, tinalakay nina Marcos at Zelenskyy ang mga potensyal na pagtutulungan sa food security, agriculture, at digitalization.
“I spoke with President Volodymyr Zelenskyy today to reaffirm our warm relations and discuss areas where our countries can work together. We focused on cooperation in food security, agriculture, and digitalization,” ani Pangulong Marcos.
Dagdag pa ng Pangulo, ginalugad nila ang mga oportunidad para palakasin ang pakikipag-ugnayan ng ASEAN at Ukraine, habang nakatakda ang Pilipinas na gampanan ang chairship ng bloc sa susunod na taon.
“As the Philippines assumes the Chairship of ASEAN, we also discussed ways to strengthen ASEAN–Ukraine engagement for the benefit of our peoples,” dagdag niya.
Matatandaang bumisita si Zelenskyy sa Malakanyang noong 2024, kung saan inanunsyo niya ang pagbubukas ng Ukrainian Embassy sa Manila. Itinatag ng Pilipinas at Ukraine ang kanilang diplomatic ties noong 1992. Kris Jose