Home NATIONWIDE PH umaasang matatapos ASEAN-China Code of Conduct bago 2027

PH umaasang matatapos ASEAN-China Code of Conduct bago 2027

1
0

MANILA, Philippines — Umaasa ang Pilipinas na matatapos ngayong 2026 ang matagal nang negosasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim sa ASEAN Business Media Exchange 2026 nitong Lunes, Setyembre 7, na “guardedly optimistic” ang pamahalaan sa posibilidad na magkaroon ng substantial completion ng negosasyon ngayong taon.

Ayon kay Herrera-Lim, suportado ng ASEAN member states at China ang pagsulong ng COC negotiations.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro noong Hulyo na nagpapakita ang ASEAN at China ng political will upang tapusin ang kasunduan bago matapos ang 2026.

Matagal nang itinutulak ang COC bilang mekanismo upang magkaroon ng malinaw at epektibong pamantayan sa pagkilos ng mga partido sa South China Sea at makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ayon sa ASEAN, nagpapatuloy ang negosasyon para sa isang “effective and substantive” COC na naaayon sa international law, kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Bahagi rin ito ng mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas bilang ASEAN Chair ngayong 2026. Noong Pebrero, sinabi ng pamahalaan na kabilang sa target ng chairmanship ang pagtatapos ng negosasyon sa isang epektibo at substantive na COC sa loob ng taon.

Gayunman, nananatiling negosasyon ang kasunduan at wala pang pinal na COC na naaprubahan ng ASEAN at China. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here