Home NATIONWIDE BARMM polls handa na: Balota, makina nasa COMELEC hubs na

BARMM polls handa na: Balota, makina nasa COMELEC hubs na

1
0

MANILA, Philippines — Naka-deploy na sa mga local hub ng Commission on Elections (COMELEC) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga balota, automated counting machines at iba pang election paraphernalia para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Setyembre 14.

Ayon sa COMELEC, ihahatid ang mga kagamitan mula sa hubs patungo sa mga munisipalidad at lungsod bago ang final testing and sealing ng mga makina sa Setyembre 12.

May 5,212 clustered precincts para sa halalan, kung saan bawat isa ay gagamitan ng automated counting machine. May nakahanda ring reserve machines sakaling magkaroon ng aberya sa mga gagamiting kagamitan.

Tinatayang 2.39 milyong rehistradong botante ang maaaring lumahok sa halalan sa 105 munisipalidad at dalawang lungsod sa BARMM.

Nakatakda ang final testing and sealing sa Setyembre 12 bago ipamahagi ang mga balota at iba pang election materials sa mga electoral board para sa mismong araw ng halalan.

Idineklara rin ng Malacañang ang Setyembre 14 bilang special non-working day sa BARMM upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makaboto sa unang regular parliamentary elections ng rehiyon.

Patuloy naman ang koordinasyon ng COMELEC sa mga security agencies upang matiyak ang maayos, ligtas at mapayapang pagsasagawa ng halalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here