Home SPORTS PH umapela sa pagbasura sa apat na sports sa 2025 SEAG

PH umapela sa pagbasura sa apat na sports sa 2025 SEAG

Maliban kung tatanggapin ng Thailand organizing committee ang apela ng Philippine Olympic Committee (POC), ang bansa ay nakatakdang mawalan ng ilang potensyal na gintong medalya sa 2025 Southeast Asian Games matapos na ibasura ng mga host ang apat na sports na naging mayaman sa ginto para sa Pilipinas.

Ayon sa POC, ipinadala na nila ang kanilang apela sa mga host na isama ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu, at karate, na lahat ay nakakita ng tagumpay ng mga Filipino athletes sa huling edisyon, sa isang SEA  Games Federation meeting sa Bangkok nitong linggo.

“Nag-apela na kami sa mga Thai host na isama ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate,” sabi ng POC.

“At hindi lamang ang Pilipinas ang umapela, kundi ang karamihan sa mga miyembro ng laro,”dagdag pa ng POC.

Ayon sa punong opisyal, ang Thailand ay inaasahang magtatampok lamang ng 40 sports sa biennial meet.

Ang apat na sports na nabanggit ay nakatipon  ng walong gintong medalya para sa Pilipinas sa nakaraang edisyon ng SEA Games sa Cambodia noong 2023.

Ang Jiu-jitsu athletes na sina Kaila Napolis, Annie Ramirez at Marc Lim ay nanguna sa kanilang mga kategorya habang si Agatha Wong ay nakakuha ng isang ginto sa wushu.JC

Nasungkit din ng mga karate aces na sina Jamie Lim at Sakura Alforte gayundin ang weightlifting pair nina Elreen Ando at Vanessa Sarno ang gold sa kanilang mga event.