Home SPORTS 2 koponan ng MPL lalahok sa Esports WC

2 koponan ng MPL lalahok sa Esports WC

MANILA, Philippines — Ililipad ng Team Liquid ECHO PH at Falcons APBren ang bandila ng Pilipinas sa kanilang laban sa kauna-unahang Esports World Cup na nakatakda sa Riyadh, Saudi Arabia sa susunod na buwan.

Nagkamit ng karapatan ang magkabilang koponan na kumatawan sa bansa sa Hulyo 4-Aug. 25 event pagkatapos hiranging  champion at runner-up sa kamakailang MPL (Mobile Legends Professional League) Philippines Season 13.

Sila ay sasabak sa Mid-Season Cup (MSC) ng Esports World Cup kung saan ang Onic Indonesia ang reigning champion.

“Naglaan kami ng mas maraming oras sa training namin. Three to four weeks ang training days namin. Kaunting days lang ang pahinga namin. Kaya handa na kami bago lumipad (for Riyadh),” ani  Vincent “Pandora” Unigo ng Falcons APBren.
Gusto ni Keith Medrano ng MPL, na sumali si Unigo na mangunguna sa kaganapang nag-aalok ng $1 milyon na premyong pera sa kampeon.