TACLOBAN CITY – Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation nitong Martes, Hunyo 18, sa Barangay Cabalquinte, Calubian, Leyte.
Arestado ang apat na hinihinalang tulak ng droga. Kinilala ang mga ito na sina Fritz, 28; Hailey, 42; Gin, 41, at Noel, residente ng barangay.
Gayunpaman, ang kanilang kasabwat ay nakaiwas sa pagkakaaresto na kinilala ng awtoridad bilang si Chic, 42, residente ng Calubian at isang high-value na indibidwal sa kalakalan ng iligal na droga.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang bloke ng transparent plastic na naglalaman ng shabu na nakabalot sa berdeng plastik na may mga Chinese character na tumitimbang ng isang kilo na may street value na P6.8 milyon, mga drug paraphernalia, isang maikling baril, at mga ebidensyang hindi naka-droga.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inamyenda ng RA 10640, at Republic Act 10591 para sa illegal possession of firearms. Santi Celario