Home NATIONWIDE PH, US nagsagawa ng live-fire exercise sa Zambales, Ilocos Norte

PH, US nagsagawa ng live-fire exercise sa Zambales, Ilocos Norte

MANILA, Philippines- Nagsagawa ang mga sundalo ng Pilipinas at ng United States ng live fire exercise sa Zambales at Ilocos Norte bilang bahagi ng taunang Marine Aviation Support Activity (MASA).

Inihayag ng I Marine Expeditionary Force (I MEF) nitong Linggo na nagsagawa ang units mula sa US Marine Corps (USMC) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng live-fire event sa katubigan ng Camp Bojeador sa Ilocos Norte at sa kanluran ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) sa Zambales.

Ang MASA ay isang joint PH-US military exercise sa Pilipinas na tumututok sa “mutual defense, strengthening relationships, and rehearsing emerging aviation concepts”.

Kasado ang MASA ngayong taon mula Hunyo 3 hanggang 21. 

Gumamit ang Philippine Marines ng ground-based artillery sa staged maritime targets na gawa sa kahoy at concrete sa katubigang 4 nautical miles due west ng Camp Bojeador.

Samantala, nagbigay naman ang US Marines ng fire coordination support sa PMC forces “to increase bilateral coordination and proficiency among U.S.-Philippine forces”.

Sa Zambales, nagsagawa ang USMC F-35B Lightning II multi-role stealth fighters ng air strikes sa simulated maritime targets sa katubigang 3 nautical miles sa kanluran ng NETDC.

“Philippine unmanned aerial systems supported both live-fire events to increase maritime domain awareness capabilities and to ensure the safe execution of the training events,” anang I MEF.

Sinabi ng mga awtoridad na hinarangan ng Philippine Navy, Coast Guard, at air traffic control authorities ang mga lugar na ginamit para sa training bago ang live-fire events upang matiyak na “no one was affected in the impact area.” RNT/SA