Home NATIONWIDE PH Virology and Vaccine Institute hahanapan ng pondo ni PBBM

PH Virology and Vaccine Institute hahanapan ng pondo ni PBBM

MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules na hahanapan ng pondo ang patuloy na konstruksyon ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) building sa New Clark City in Capas, Tarlac.

Humirit ng pondo ang Department of Science and Technology (DOST) para sa proyekto upang maiwasan ang pagkaantala at structural deterioration ng VIP administration building.

Sinabi ni DOST chief Renato Solidum na hindi naglaan ang 2025 national expenditure program ng Department of Public Works and Highways ng budget para sa VIP.

“I think in the immediate future, okay. We prepare for the big one, the big pandemic,” pahayag ni Marcos sa pulong kasama ang DOST.

“We find money for this when we are able to identify the specific items as you know not ready for implementation. ‘Yung hindi kumpleto ang papeles,” ani Marcos kay Solidum.

Inihayag ni Solidum na nangangailangan ang VIP ng P680 milyon upang itulak ang mga plano nito kabilang ang development ng mga bakuna para sa mga tao, hayop, at mga halaman.

Matatandaang ang paglikha sa VIP ay isa sa legislative measures na hiniling ni Marcos na ipasa ng Kamara sa kanyang unang State of the Nation Address. RNT/SA