
ANG programang “KONSULTA” o Konsultasyong Sulit at Tama ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH ay isang mahalagang inisyatibo ng gobyerno na naglalayong gawing mas abot-kamay at mas simple ang serbisyong medikal para sa mga Pilipino.
Ang PHILHEALTH KONSULTA ay isang napakahalagang hakbang patungo sa universal healthcare sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, hindi lamang mas napapadali ang access sa serbisyong medikal kundi naitataguyod din ang mas malusog na bansa.
Ang panawagan ni PHILHEALTH President at Chief Executive officer Emmanuel Ledesma, Jr., tiyaking magparehistro sa programang ito at gawing bahagi ng buhay ang regular na pagpapasuri. Ang kalusugan ay kayamanan, kaya’t sulitin ang oportunidad na ito para sa mas maayos na kinabukasan.
“Kung kinakailangan ng ating mga Kababayan na magpakonsulta, hinihikayat ko silang mag-avail ng libreng konsultasyon at mga gamot na irerekomenda ng healthcare provider sa ilalim ng PhilHealth Konsulta. Ang dapat lamang nilang gawin ay magparehistro”.
Sa ilalim ng programang ito, binibigyang-daan ang bawat miyembro ng PHILHEALTH na magkaroon ng libreng check-up at preventive healthcare services. Ngunit, paano nga ba ito nakatutulong sa mga tao?
Ang KONSULTA ay nakatuon sa primary care services tulad ng:
1. Libreng check-up at konsultasyon.
2. Basic laboratory tests tulad ng blood sugar, cholesterol, at urinalysis.
3. Mga gamot na kinakailangan para sa mga karaniwang karamdaman tulad ng altapresyon, diabetes, at iba pa.
Ang programang ito ay idinisenyo upang maagapan ang mga sakit bago pa ito lumala, lalo na ang chronic diseases na kadalasang nangangailangan ng mahal at komplikadong gamutan.
Kabilang sa mga makukuhang benepisyo ang:
1. Pagparehistro sa accredited KONSULTA Providers
Kailangan munang pumili ng accredited KONSULTA provider, tulad ng mga health center, pampublikong ospital, o piling pribadong klinika.
2. Magdala ng PHILHEALTH ID o anomang valid ID
Ang bawat miyembro, pati ang kanilang dependents, ay may karapatang magamit ang benepisyong ito. Magdala ng Marriage certificate at Birth Certificate ng kanilang anak na below 21 years old.
3. Ang mga konsultasyon, laboratory tests, at gamot ay maaaring makuha nang walang dagdag na bayad kung kinakailangan ng isang miyembro.