Home NATIONWIDE PhilHealth may sapat na pondo para maghatid ng serbisyo – PBBM

PhilHealth may sapat na pondo para maghatid ng serbisyo – PBBM

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na pondo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyo sa kabila ng pag-alis sa government subsidy sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.

ipinagtanggol ng Pangulo ang naging hakbang ng mga mambabatas na maglaan ng ‘zero subsidy’ sa PhilHealth para sa susunod na taon.

Ang paliwanag ng Pangulo, ang (PhilHealth) ay mayroon pang natitirang P500 billion na reserve funds.

“PhilHealth requires around P100 billion annually for its operations and services,” ayon sa Chief Executive.

“The PhilHealth has sufficient budget to do all of the things that they want to do,” aniya pa rin.

“Let’s go back in the last two years, kung titingnan ninyo ang services na binibigay, ang mga treatments na binabayaran ngayon ng PhilHealth ay nag-expand na nang husto. We’re taking care of more conditions… we’re tending to more people and thats from the budget of 2023 and 2024,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Aniya, “the reason why we do not want to subsidize is because the subsidy, uupo lang sa bank account ng PhilHealth. Hindi magagamitt…That’s the simple explanation. They have sufficient funds to carry on”.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang PhilHealth na magsimula nang mag-digitalize para lumakas ang processing capacity at tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo.

“Mag-digitalize na kayo. That’s where the effort is para lahat ng mga tao ma-process natin and tuloy-tuloy naman. At the same time, mabilis makuha ng tao,” aniya pa rin.

Noong nakaraang linggo, inihayag ni Senate finance committee chairperson Grace Poe na walang matatanggap na subsidy ang PhilHealth sa ilalim ng panukalang national budget sa susunod na taon, sabay sabing ang PhilHealth ay mayroon pang P600 billion na reserve funds.

“Sa ngayon, ang PhilHealth ay hindi nabigyan ng budget. Sapagkat kailangan nilang gamitin muna yung kanilang reserve funds,” ang sinabi ni Poe sa isang panayam matapos ang bicameral conference committee meeting para sa 2025 General Appropriations Bill.

“Ang PhilHealth ngayon, kung hindi ako nagkakamali, merong P600 billion na reserve funds. Naka-deposito lang yan sa… kung anong account nila nilalagay, but definitely kung anong kinikita niyan, mas maliit pa sa, mas mababa pa sa inflation. So, lugi pa yung gobyerno,” ang paliwanag ng senadora.

Nauna rito, sinabi naman ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na ang PhilHealth ay mayroong P150 billion surplus mula sa 2024 budget nito na maaaring ipambayad para sa subsidy ng indirect members.

Para naman sa PhilHealth, tiniyak nito sa publiko na sapat ang kanilang pondo para suportahan ang mga benepisaryo subalit umaasa na ikokonsidera ni Pangulong Marcos ang zero-subsidy decision. Kris Jose