Home HOME BANNER STORY Philip Acop panalo sa Antipolo 2nd District special election

Philip Acop panalo sa Antipolo 2nd District special election

153
0

RIZAL, Philippines – Naiproklama na bilang nanalong kandidato para sa ikalawang distrito ng Antipolo sa isinagawang special election nitong Marso 14 si Philip “Dok Bong” Acop na miyembro ng National Unity Party (NUP).

Ipinroklama ng District Board of Canvassers at ng Commission in Elections (Comelec) si Antipolo Proclamation Acop alas 3:19 ng ng madaling araw ng Marso 15 kasunod ng manual canvassing ng boto mula sa espesyal na halalan.

Nakakuha ng 60,051 boto si Acop na tinalo ang pinakamalapit niyang kalaban na si Rene Llama na mayroong 12,054.

Habang ang iba pang kalaban ni Acop tulad ni Paulo Tapales ay nakakuha ;amang ng 10,080 na boto.

Si Nathaniel Lobigas ay mayroon lamang 754 na boto habang si Dandin Infante ay 412 at pinakabatang nakuhang boto si Maria Trinidad Cafirma na mayroon lamang 199.

Papalitan ni Acop ang kanyang Romeo Acop na pumanaw noong Disyembre 20,2025.

Ayon kay Antipolo Election Officer Joseph Vega , naipasa ng electoral boards ang election returns sa tamang oras.

Bagamat ang returns mula sa ilang malalayong lugar ay dumating nang mas gabi na, natapos ang canvassing nang mas maaga kaysa inaasahan kahit na ito ay manual na proseso.

Matapos ang kanyang proklamasyon, nagpasalamat si Acop sa mga tagasuporta na tumulong sa pangangampanya sa buong distrito.

Inaasahang si Antipolo City Mayor Jun Ynares ang mag-aadminister ng panunumpa ni Acop sa Lunes, Marso 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here