Home NATIONWIDE Sabwatan sa mga proyekto ng DPWH noong 2022, iimbestigahan ni Lacson

Sabwatan sa mga proyekto ng DPWH noong 2022, iimbestigahan ni Lacson

124
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” M. Lacson ang listahan ng mga flood control at iba pang infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y “hinihingi” ng isang panel member ng Commission on Appointments, kapalit ng pagkumpirma kay noo’y DPWH Secretary Manuel Bonoan noong huling bahagi ng 2022.

Ani Lacson nitong Sabado, lumabas ang impormasyon habang patuloy siyang nag-iinspeksyon kasama ang kanyang staff sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang matukoy kung alin ang posibleng maanomalya o guniguning proyekto.

“Meron kaming information (na) sa pagdinig ng CA sa confirmation ni Bonoan as DPWH Secretary, naging kasangkapan ang confirmation para makapag-appropriate or makapagsingit,” ani Lacson sa panayam sa DZMM. Binanggit niya na galing kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang impormasyon.

Dagdag pa niya, kanyang sinusuri ang impormasyon mula kay Bernardo, na ang nag-“request” kay Bonoan ay miyembro ng House of Representatives panel noon.

Samantala, sinabi ni Lacson na patuloy na sinusuri ng kanyang team ang mga flood control projects, kabilang ang sa Metro Manila. Kabilang dito ang lugar kung saan mas lumala pa ang pagbaha matapos maitayo ang isang pumping station.

“Kung naging substandard o ghost, ibang usapan yan. So magiging panibagong recommendation yan ng Blue Ribbon Committee, masampahan ng kaso kung sino ang may kagagawan,” ani Lacson. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here