Home NATIONWIDE PHIVOLCS nagbabala ng patuloy na PDC sa Bulkang Mayon

PHIVOLCS nagbabala ng patuloy na PDC sa Bulkang Mayon

68
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente ng Albay nang patuloy na pagkakaroon ng pyroclastic density current (PDC) o uson sa Bulkang Mayon.

“Expect every now and then na may PDC kasi naging unstable na… kapag naging unstable ang lava flow natin sa itaas, bumabagsak iyan as PDC,” ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa panayam ng DZMM Teleradyo.

Sa panayam, iniulat ni Bacolcol ang na nagsimula ang PDC 11:46 ng umaga sa run-out distance na 1,200 metro at plume height na 1,800 metro.

Noong Biyernes, naitala ang PDC na may run-out distance na 2,500 metro at plume height na hanggang 1,500 metro.

Mas maliit ito kumpara sa unang pinakahuling PDC noong Sabado na umagos 5.3 kilometro mula sa crater.

“Kaya yung PDC natin for as long as meron pa rin tayong effusive eruption. Tuloy-tuloy ang pag-angat ng magma, tuloy-tuloy pa rin yung pagbagsak ng lava flows dun sa upper slopes,” aniya.

Nagpaalala ang PHIVOLCS director sa publiko ng eruption column, na mapanganib sa mga indibidwal na may respiratory at heart issues.

“Yung umangat yung abo at gases, so delikado po iyon. Kapag nalanghap iyon, it can irritate yung respiratory track. Kapag may problema ka sa baga tulad ng hika, if you have heart problems, delikado din iyan sa matatanda at mga buntis,” sinabi ni Bacolcol.

“For now, wala pa tayong lahar advisory but nakikita naman natin gaano kalaki yung volume ng mga materials. Kapag continuous ang torrential rainfalls, pwedeng ma-remobilize iyon as lahars,” dagdag pa niya.

Nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Mayon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here