Home HOME BANNER STORY PHLPost naglabas ng pinakamahabang selyo

PHLPost naglabas ng pinakamahabang selyo

MANILA, Philippines- Naglabas ng pinakamahabang stamps para sa bagong Guinness World Record ang Philippine Postal Corp (PHLPost) bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong taon at ika-125 anibersaryo ng First Philippine Republic of 1899.

Itinuturing na pinakamahabang selyo ng Pilipinas, ang sheetlet strip na tatlong sukat na 200 mm by 35mm, ay isa sa kauna-unahang inilabas ng PHLPost.

Pinamagatang “Philippine: First Republic in Asia,” ang kahanga-hangang selyo ay malinaw na naglalarawan ng nasyonalismo ng Pilipinas mula sa makasaysayang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 hanggang sa deklarasyon ng First Philippine Republic noong1901.

Tampok sa commemorative stamp ang historical vignette na naganap mula sa deklarasyon ng Philippine Independemce noong 1898, ang pagdating ni Aquinaldo sa Malolos Bulacan, ang inagurasyon ng unang Philippine Republic sa Barasoain Church noong 1898, ang Philippine American War, Aguinaldo odyssey sa Northern Luzon na may babaeng ginagamot ang isang sugatan, Apolinario Mabini sa Pangasinan at paghuli kay Aquinaldo sa Isabela ngunit ang iba ay nagpatuloy sa pakikipaglaban para sa kalayaan noong 1901.

Makikita rin sa selyo ang larawan ng Philippine Revolutionary Government Postage Stamps at ang Philippine Revolutionary Government Postage at telegraph Registration Stamps na inisyu noong historic era.

“The stamps continue to be the source of inspiration, courage, and patriotism among Filipinos,” ayon sa press release ng PHLPost nitong Martes.

Mabibili ng publiko ang PHLPost postage stamp sa Manila Central Post Office compound sa Lawton, Maynila ngayong Hunyo 12.

Nasa 9,000 piraso ng strip ng tatlong stamps ang naimprenta na ibinebenta sa halagang P125 kada isa kasama ang 400 piraso ng opisyal na first-day cover envelop na may sukat na 25 cm by 19 cm.

Idinisenyo ng Artist na si Roderick “Derrick” Macutay ang stamps na may layout ni Jose Antonio A. Jayme ng PHLPost. Jocelyn Tabangcura-Domenden