Home SPORTS Phoenix, Lakers target si Bronny James

Phoenix, Lakers target si Bronny James

Nangunguna ang Lakers sa mga team na gustong kunin si Bronny James, ngunit maraming pang mga karibal ang target i-draft  ang panganay na anak ni  LeBron James.

Nagdesisyon si  Bronny na manatili sa 2024 NBA Draft, na nagdaragdag ng napakalaking layer ng intriga sa kabila ng hindi inaasahang pagpili bilang first-round pick, lalo na ang pagpili sa lottery.

Inaasahang mag-oopt out si LeBron James sa kanyang kasalukuyang kontrata bago ang deadline sa Hunyo 29, walang nakaaalam kung may plano siyang bumalik sa Los Angeles Lakers.

Marami ang nagsasabi na gagamitin niya ang pagiging free agent upang matiyak na magtatapos ang kanyang career na kalaro ang kanyang anak sa NBA.

Hindi bababa sa isang sportsbook ang nag-aalok ng mga odds sa bawat potensyal na 30 NBA team na nag-draft kay Bronny James.

Nangunguna ang Lakers sa potensiyal na kukuha kay Bronny upang manapanatili sa team si LeBron.

Malinaw na gustong-gusto ni LeBron ang paglalaro para sa purple at gold, at ang pakikipagtambal kay Bronny sa Hollywood ay magiging isang marketing grand slam.

Ang problema ay kasalukuyang hawak ng Lakers ang Nos. 17 at 55 pick sa draft sa Hunyo 26.

Si Bronny James, 19, ay hindi inaasahan bilang isang mid-first-round prospect ng karamihan sa mga analyst, ngunit maraming mga team ng gustong kumuha sa kanya.

Ito’y dahil ang mga koponan na kukuha kay Bronny ay umaasa na lilipat sa kanilang koponan ang kanyang ama na s LeBron.

Ang Phoenix Suns, na nagmamay-ari ng No. 22 pick, ay nakatakdang imbitahan sa work out si Bronny James.

Umaasa ang marami na idaragdag ni Suns’ general manager James Jones sina Lebron at Bronny sa core na kinabibilangan nina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal.

Kasalukuyang may +1200 odds ang Phoenix sa DraftKings para maging susunod na koponan na dadalhin ni LeBron James sa court.

Nasa likod lang iyon ng Lakers sa -425 at ang Cleveland Cavaliers sa +750.

Ang Cavs ay nakatabla para sa ikalimang pinakamaikling posibilidad sa SportsBetting.ag para i-draft si Bronny James, na maaaring humantong sa ikatlong stint para kay LeBron kasama ang kanyang hometown team.

Ang +2000 odds ay kapareho ng sa Philadelphia 76ers, na maaaring makakita ng pagsasara ng pagkakataon kasama ang injury-prone superstar na si Joel Embiid. Ang Sixers ang may fifth-shortest odds sa DraftKings para mapunta si LeBron sa +2200.

Ang isa pang nakakaintriga na destinasyon para sa tandem ng mag-ama — kung gagawin nila ang isang sitwasyon upang maglaro nang magkasama — ay ang mga matingkad na ilaw ng New York City. Ang New York Knicks ay magmumula sa isang season na nahulog sa Eastern Conference Finals.

Siyempre, mayroon pa ring tunay na posibilidad na maglalaro ang mag-ama para sa iba’t ibang NBA franchise sa susunod na season.

Ngunit ang pag-opt-out ni LeBron James ay nagbibigay ng daan para sa nakatatandang James na tumulong sa pag-stack ng deck nang malakas sa kanyang pabor kung ang ultimong layunin ay ang makipaglaro sa tabi ng kanyang anak sa lalong madaling panahon sa susunod na season.