Home SPORTS Vietnam  back-to-back champ sa  AVC Challenge Cup

Vietnam  back-to-back champ sa  AVC Challenge Cup

Ipinamalas ng Vietnam ang kanilang karanasan at poise para kumpletuhin ang sweep ng Kazakhstan, 25-20, 25-22, 25-22 para pamunuan ang 2024 AVC Challenge Cup noong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Ginawa ito ng Vietnamese crew sa kabila ng kawalan ng kanilang star player sa Tran Thi Thanh Thuy, na nagpapagaling pa rin ng injury.

Ang Kazakhstan, na tumapos sa dream run ng Pilipinas pagkatapos ng isang sweep victory sa kanilang semifinals clash noong Martes, ay pumangalawa.

Nanguna sa Vietnam ang  hitter na si Thi Bich Tuyen Nguyen  na nagbuhos ng 26 puntos na naka-angkla sa 24 na pag-atake, isang block, at isang ace patungo sa pagkuha ng tournament MVP honors habang si Tu Linh Tran at middle blocker na si Thanh Thuy Le ay nag-chip ng tig-siyam at pitong marker.

Si Sana Anarkulova, na isa sa dalawang Best Outside Hitters, ay nanguna sa Kazakhstan na may 15 puntos habang si Kristina Anikonova ay humataw na may 10 markers.

Sa tagumpay, nasungkit ng Vietnam ang tiket nito sa 2024 FIVB Challenger Cup noong Hulyo kasama ang Pilipinas, na nagselyado ng puwesto nito sa pagsisilbing host.

Noong 2023 na edisyon, nakuha ng Vietnam ang isang kapanapanabik na reverse sweep na tagumpay laban sa Indonesia upang pamunuan ang paligsahan.