Home ENTERTAINMENT Photo ni Kris with FL Liza, kumpirmadong legit!

Photo ni Kris with FL Liza, kumpirmadong legit!

323
0

Manila, Philippines – Paglilinaw lang na hindi lumang larawan ang kuha na magkatabing nakaupo sina Kris Aquino at madan First Lady Liza Araneta-Marcos.

Legit ang pic lalo’t marami ang nagdududa na baka gawa daw ito ng AI or recycled pic lang.

Kuha ito nang dumalo si Kris sa bday party ng kaibigan niyang si Michael Leyva at nakasabay pa niya si FL Liza.

Sa totoo lang, sa hitsura ngayon ni Kris ay gumaganda na ang kanyang aura at unti unti nang bumalik ito sa dati.

Nadagdagan na ang timbang ni Kris at bumabalik na ang dating siya, huh!

Pinayagan na rin siya ng mga doktor niya na makalabas-labas at mag-enjoy sa mga parties, huh!

So sa mga susunod niyan ay mapapanood na natin si Kris sa TV.

And also, may boses nga pala si Bimby Aquino.

In-upload ni Kris ang voice lesson ng anak kay Coach Thor.

Kinakanta ni Bimby ang Nandito Ako na originally sang by Ogie Alcasid.

Mukhang may mararating si Bimby sa larangan din ng singing bukod sa acting, huh!

May caption pa si Kris sa nasabing video.

“Bimb’s ongoing music classes and afterwards his stage performances lessons plus kuya’s therapy and workout sessions keep our home a busy one.

“I’m blessed, my 2 boys don’t complain about the many times in a day they need to shower before coming into my room to hug and kiss me. I’m a mama doing her best together with her sons and my nurses, my doctor lives with us because pain management is so important for me to become active with persona­lized physical therapy,” sabi pa ni Ms. Kris Aquino. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here