MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Cast Guard (PCG) na bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa ilang pantalan sa bansa bunsod na rin ng bagyong Tino.
Mula sa higit 100 pantalan kahapon ay nasa 67 ports na lang ang apektado ng masamang panahon, batay na rin sa monitoring ng PCG.
Nasa 2,951 passengers, drivers, at cargo helpers at 640 rolling cargos, 42 vessels, at 11 motorbancas ang nananatiling stranded sa mga pantalan.
May 465 vessels at 1,512 motorbancas ang nakadaong bilang pag-iingat dahil sa masamang panahon.
Sa monitoring naman ng Philippine Ports Authority, nananatiling suspendido ang byahe ng ilang sasakyang pangdagat sa mga lugar at papunta sa mga apektado parin ng bagyong Tino.
Sa abiso ng Philippine Ports Authority, sa pantalan ng Batangas, Eastern Leyte/Samar, Misamis Oriental/Cagayan de Oro, Negros Occidental, Panay/Guimaras, at Palawan ay wala pa rin munang byahe.
Sa Bohol naman, suspendido parin ang byahe na byaheng Tabilaran – Cebu at Loon Bohol – Argao Cebu.
Sa Quezon at Mindoro wala paring byahe ang Lucena – Masbate at San Andres – Masbate maging ang Lucena to Romblon at San Andres to San Pascual
Sa Sasa Port sa Davao wala paring byahe sa Davao-Gensan-Iloilo-Manila.
Sa North Port naman suspendido parin ang byahe na patungong Manila-Siargao-Butuan-Ozamis at Manila-Cebu-Tagbilaran
Sa NCR South Port naman wala paring byahe ang Manila to Palawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden