Home HOME BANNER STORY PI sa flood control isasagawa lamang ng 60 araw – Ombudsman Remulla

PI sa flood control isasagawa lamang ng 60 araw – Ombudsman Remulla

254
0

MANILA, Philippines – Isasagawa sa loob ng 60 araw ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman sa mga kaso kaugnay sa flood control projects kabilang ang isa sa Oriental Mindoro at Bulacan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni Remulla noong Martes na habang ang PI ay karaniwang tumatagal ng taon, ayon sa pinahihintulutan ng mga patakaran ng opisina, ang Ombudsman ay naglalayong pabilisin ang proseso.

Paliwanag ni Remulla na hindi lahat ng mga kaso ay kailangan ng fact-finding phase.

Isasagawa aniya ng Ombudsman ang PI sa anim na flood control projects -5 sa Bulacan at isa sa Oriental Mindoro.

Isinumite ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang imbestigasyon sa Bulacan projects sa Ombudsman noong October 14, habang ang kaso sa Oriental Mindoro ay isinumite naman sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) noong nakaraang buwan.

Ayon kay Remulla, inaasahang sisimulan maghain ng mga kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay sa kontrobersyal na flood control projects sa Nobyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here