Home ENTERTAINMENT Pia, pinigilang sagutin ang tanong kay Heart!

Pia, pinigilang sagutin ang tanong kay Heart!

Manila, Philippines – Heart Evangelista out, Pia Wurtzbach in!

Ito ang transition sa pagiging endorser o ambassador ng isang international product brand.

Bago kasi kunin si Miss Universe 2015 bilang endorser ng L’Oreal Paris ay si Heart muna ang naging mukha nito.

Nagkaroon pa nga ito ng collaboration with Heart sa lipstick collection.

Bagama’t Heart is no longer the face behind the said product ay open naman ito na makatrabaho ang fashion icon at socialite for future projects.

As expected, Pia looked stunning during the launch campaign.

At tulad din ng inaasahan, her endorsement has been met with unfavorable comments.

Ani Pia na nakuha pang i-compose ang sarili: “May bago nga akong isyung naririnig, eh. Some people are saying: ‘Hindi ka bagay diyan. Beauty queen ka, stay on your lane!”

Pia, confident of herself, however countered: “Sayang? No, I’m worth it!”

May isa namang taga-broadsheet ang nangahas na tanungin si Pia kung ano ang reaksyon nito towards being pitted against other women.

Obyus na ang tinutumbok ng media attendee na “other women” ay si Heart dahil ito nga ang huling ambassador nito bago si Pia.

Pero bago pa man natapos ng media attendee ang kanyang tanong ay humarang na agad ang mga handlers ni Pia.

Pinagbawalan kasi ng mga ito ang media attendee na strictly no questions about Heart.

Makikitang ngiti lang ang naging reaksyon ni Pia.

Matatandaang nagkaisyu sa pagitan ng dalawa nang lumipat ang dating glam team ni Heart sa kampo ni Pia.

Nagkaroon pa ng cryptic post si Heart tungkol sa isang anonymous person na nagnakaw umano ng kanyang mga contacts.

Kamakailan, kapwa umattend pa ng Milan Fashion Week sina Heart at Pia.

Hindi nga lang tiyak kung nagkita ang dalawa sa Fendi event.

Samantala, may mga nagsasabing nagiging kamukha raw ni Pia si Heart just because ang dating glam team ng misis ni Senator Chiz Escudero ay napunta na sa dating beauty queen. Ronnie Carrasco III