Home ENTERTAINMENT Pic ni Arjo at ex-DPWH eng’r na magkasama, viral na!

Pic ni Arjo at ex-DPWH eng’r na magkasama, viral na!

330
0

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang kumakalat na litrato sa social media kung saan magkasamang nanonood ng basketball game si Quezon City District 1 Rep. Arjo Atayde at dating Bulacan district engineer Henry Alcantara.

Kuha ang photo na ‘yon habang ginaganap ang game 7 ng semi-final match sa PBA Season 49 Philippine Cup sa Araneta Colieum noong July 9, 2025.

Makikitang magkakatabing nakaupo sina Alcantara, bayaw ni Arjo at asawa ng kapatid na si Ria Atayde na si Zanjoe Marudo, si Arjo at si Daniel Padilla.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens.

Hindi raw ibig sabihin niyon ay may kung anong transaksyon sa pagitan nina Arjo at Atayde.

Matatandaang inginuso ni Curlee Discaya si Arjo bilang isa sa mga nakinabang sa mga maanomalyang DPWH flood control project.

Ayon pa kay Curlee, ipinasosoli niya mula kay Arjo ang P60 million na iniabot niya sa ama nitong si Art Atayde.

Itinanggi naman ni Arjo ang akusasyon ni Curlee, na sinegundahan naman ng misis nitong si Maine Mendoza.

Dahil sa lumabas na larawan, inaasahang maglalabas ng paliwanag ang mga nakunan doon lalo na ang bayaw ni Arjo na si Zanjoe. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here