Home ENTERTAINMENT Pic ni Sam at ng girlet na ipinalit daw kay Cat, nag-viral!

Pic ni Sam at ng girlet na ipinalit daw kay Cat, nag-viral!

Manila, Philippines – Eto’t pinangunahan na naman ng ibang netizens ang magkasintahang involved without hearing out their side.

Sa X (dating Twitter), viral ang isang picture kung saan may babaeng kaangkas si Sam Milby.

Both were wearing motorcycling outfit.

As usual, umandar na naman ang pagiging advance mag-isip ng ilang netizens.

Parang sure na sure silang ang babaeng ka-backride ni Sam ay ang ipinalit nito sa nobyang si Catriona Gray.

Medyo nagtatalo pa nga ang puso ng mga netizens na hindi naniniwala sa mismong sapantaha nila.

Ang kaangkas namang babae ang pinagtripan nila, comparing her sa mga nakarelasyon ni Sam in the past.

Kesyo “dinowngrade” daw ni Sam ang kanyang sarili, dahil hindi raw mukhang ka-level ni Catriona at ex-dyowa niyang si Anne Curtis ang girl.

Hanggang sila-sila na mismo ang kumumbinsi sa kanilang mga sarili na totoo ngang may pinagdadaanan sina Cat at Sam.

Paano nangyari ‘yon samantalang recently lang ay sweet silang muli at an event?

Buti na lang at isang X user provided this piece of info surrounding the mystery girl’s identity.

Jet Lee ang name ng girl na taga-LTO Region 7.

Isa rin siyang ambassadress ng Philippine Motorcycle Tourism, hence her outfit nang makunan ng photo with Sam.

From other angles, nakakahawig pa ni Jet si Anne.

So there. Ronnie Carrasco III