Home NATIONWIDE PICC ininspeksyon ni PBBM bago ASEAN summit sa Nobyembre

PICC ininspeksyon ni PBBM bago ASEAN summit sa Nobyembre

1
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City habang patuloy ang paghahanda para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits, nakatakda sa Nov. 16 hanggang 18.

Ang Pilipinas ang tatayong host para sa dalawang summit ngayong taon, kung saan si Pangulong Marcos ang chairman. Ang 48th Asean Summit ay nagtapos sa Lapu-Lapu City, Cebu, noong Mayo.

Ang pangunahing venue para sa 49th Asean Summit ay ang PICC, habang ang ibang events ay gagawin sa kalapit na Coconut Palace at Conrad Manila. Ang International Media Center ay matatagpuan sa World Trade Center sa Pasay City.

Matatandaang, pinanangunahan ni Pangulong Marcos ang muling pagbubukas ng PICC noong September 2025 matapos ang five-month renovation bago pa ang 50th anniversary nito at ang Asean hosting ng Pilipinas.

Kabilang sa inayos ay ang pagkukumpuni ng marble tiles, muling pagpipintura sa mga kisame, laser cleaning ng mga kongkretong pader at restorasyon ng mga kagamitan noong 1976.

Kabilang pa rin sa renobasyon ang bagong infinity waterfalls, modern lighting, at isang 30-speaker audio system.

Inaasahan naman na dadalo si United States President Donald Trump sa 49th Asean Summit, bagaman hindi pa kumpirmado ang pagdalo nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here