MANILA, Philippines – Muling kinumpirma ng Pilipinas ang matagal na nitong suporta sa two-state solution para sa Israel at Palestine bilang tugon sa panawagan ng Palestinian Ambassador na si Mounir Anastas na ipresyur ng Maynila ang Israel dahil sa umano’y paglabag sa karapatang-pantao sa Gaza.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa Malakanyang, patuloy na itinutulak ng Pilipinas ang mapayapang resolusyon na nakabatay sa pagkakaroon ng dalawang independenteng estado na magkakatabing kikilalanin ang kani-kanilang mga hangganan.
Sinabi ni Castro na nakaayon ang administrasyong Marcos sa diplomatikong proseso para sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon, alinsunod sa UN Charter at Security Council resolutions.
Ibinahagi rin ng Pilipinas ang lumalaking global concern hinggil sa humanitarian access sa Gaza at nananawagan ng walang tigil na paghahatid ng tulong sa mga Palestinian.
Sa tanong kung magbibigay ng mas malakas na presyur ang Pilipinas sa Israel, sinabi ni Castro na ito ay ipagkakatiwala sa Department of Foreign Affairs.
Pinanawagan naman ni Pangulong Marcos ang mga partido na sumunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng international law.
Ang digmaan sa Gaza ay nagsimula noong Oktubre 7, 2023 sa pagitan ng Israel at mga militanteng grupo ng Palestine na pinamumunuan ng Hamas, at ito ang pinaka-mamatay na sagupaan sa kasaysayan ng dalawang panig.