Home NATIONWIDE Pilipinas nangunguna sa budget transparency sa Southeast Asia

Pilipinas nangunguna sa budget transparency sa Southeast Asia

3
0

MANILA, Philippines – Nanatiling pinaka-transparent na bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas pagdating sa pagbubukas ng impormasyon tungkol sa pambansang badyet, ayon sa 2025 Open Budget Survey (OBS) ng International Budget Partnership.

Nakakuha ang Pilipinas ng transparency score na 76 sa 100, mas mataas nang bahagya kaysa sa 75 noong 2023. Lampas ito sa 61 puntos na itinuturing na sapat para maipakita na may sapat na impormasyong inilalathala ang gobyerno tungkol sa badyet.

Mas mataas din ang marka ng Pilipinas kaysa sa global average na 45 at Asia-Pacific average na 49. Nalampasan din nito ang iba pang bansa sa Southeast Asia tulad ng Indonesia (71), Thailand (55), Cambodia (54), Vietnam (51), at Malaysia (51).

Sinusukat ng transparency component ng OBS kung gaano kadaling makita ng publiko ang impormasyon tungkol sa pangongolekta at paggastos ng pondo ng pamahalaan. Tinitingnan nito ang pagiging available, napapanahon, at kumpleto ng walong pangunahing budget documents.

Gayunman, bumaba ang marka ng bansa sa public participation at legislative oversight. Mula 37 noong 2023, bumaba sa 33 ang public participation score noong 2025. Samantala, bumagsak ang legislative oversight score mula 81 noong 2023 tungo sa 58 noong 2025.

Ayon kay Alicor Panao, mayroong kabalintunaan sa resulta.

“This is kind of a paradox because even if the Philippines leads in transparency in Asia, its public participation is low, even by the report’s standard,” sabi ni Panao.

Ipinaliwanag niya na mahalaga ang legislative oversight dahil ito ang proseso ng pagsusuri at pagbabantay ng lehislatura sa pagpapatupad ng badyet ng pamahalaan.

“So notice in the short span of years between study periods, you see a huge drop in oversight, pulling down overall oversight score. Legislative oversight of the budget in the Philippines is weak because the budget process itself is structurally vulnerable to abuse, with a tradition allowing amendments to be finalized in clandestine after the budget is passed,” aniya.

Dagdag pa niya na ang dating sistema ng maliliit na closed-door committees at unprogrammed appropriations ay nagbigay ng pagkakataon para sa kakulangan sa transparency at mas mahinang pagsusuri sa paggamit ng pondo.

“This system undermines genuine oversight, as lawmakers cannot effectively investigate projects they themselves proposed, turning the budget into a tool for political patronage rather than accountable national planning,” dagdag ni Panao.

Ang IBP ay isang nonprofit organization na nagsusulong ng responsable, epektibo, at patas na pamamahala ng pampublikong pondo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here