Home NATIONWIDE Pilot testing ng APIS sinimulan ng BI sa mga pasahero ng Cebu...

Pilot testing ng APIS sinimulan ng BI sa mga pasahero ng Cebu Pacific

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Bureau of Immigration (BI) sa pilot testing nito ng Advanced Passenger System (APIS) sa mga pasahero ng Cebu Pacific, sinabi ni
Palace Press Officer Claire Castro nitong Biyernes, Marso 28.

“As part of its phased implementation, the BI has begun pilot testing with major airlines, with Cebu Pacific becoming the first carrier to fully integrate its system with the APIS,” pagbabahagi ni Castro sa press briefing.

Ang APIS ay isang globally-recognized system na nagbibigay pagkakataon sa mga awtoridad na kilatisin ang mga pasahero bago pa ang pagdating nito sa bansa, at maharang ang posibleng pagpasok ng mga terorista at pugante sa bansa.

Nakatakda ring ipatupad ng Philippine Airlines ang naturang sistema.

Kalaunan ay kailangan na ring ipatupad ito ng lahat ng mga airline sa bansa.

Idinagdag din ni Castro na ang BI “successfully conducted connectivity test with Interpol’s I-24/7 database ensuring access to global security watchlist for enhanced monitoring.” RNT/JGC