Home METRO Pilot trainee utas habang nasa pagsasanay ng PH Navy

Pilot trainee utas habang nasa pagsasanay ng PH Navy

1
0

MANILA, Philippines – Humihingi ng katotohanan at patas na imbestigasyon ang pamilya ni Officer Candidate Aldwayne Dulnuan, isang pilot trainee mula sa Ifugao na namatay noong Hulyo 22 habang sumasailalim sa pagsasanay ng Philippine Navy.

Ayon sa pamilya, hinihinala nilang nakaranas ng torture si Dulnuan sa training. Hanggang ngayon ay wala pa umanong opisyal na paliwanag ang Navy tungkol sa naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sinabi ng pamilya na nais nilang malaman ang tunay na nangyari at papanagutin ang sinumang mapatutunayang may pagkukulang.

Bumagsak si Dulnuan habang nasa training sa Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC). Dinala siya sa ospital ngunit idineklarang patay rin noong araw na iyon.

Nagpahayag din ng suporta ang mga miyembro ng komunidad sa Cordillera at nanawagan ng malinaw at patas na imbestigasyon. Isang open letter din ang ipinadala kay Rear Admiral Karl A. Decapia, na humihiling na mapreserba ang ebidensya, maprotektahan ang mga testigo, at ilabas ang buong katotohanan.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng press conference ang Philippine Navy ngayong Martes upang magbigay ng pahayag tungkol sa insidente. Hanggang sa ngayon, wala pa itong inilalabas na opisyal na findings sa sanhi ng pagkamatay ni Dulnuan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here