Home HOME BANNER STORY Pinaka-source ng droga sa Pinas nasa loob ng Bilibid – Remulla

Pinaka-source ng droga sa Pinas nasa loob ng Bilibid – Remulla

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr. na nasa loob pa rin ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang number one source ng droga sa Pilipinas.

“This time we are going heavy on the supply side,” ang sinabi ni Remulla sa press briefing sa Malakanyang.

“Number one source (of the) drug trade is apparently still inside Muntinlupa jail,” ang sinabi pa rin ni Remulla.

Nauna rito, pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of the Interior and Local Government (DILG), the Department of Justice (DOJ), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP) at ipinag-utos na palakasin ang pagtutulungan para sa paglaban ng administrasyon kontra ilegal na droga.

Aniya pa, tinukoy ng mga awtoridad ang 200 high-profile detainees, na ililipat sa ibang pasilidad. Hindi naman binanggit ng Kalihim kung saan ang pasilidad na ito.

”Yung first identification natin ‘yung 200 high-value detainees sa loob ng Muntinlupa apparently are still active from intercepted communications and intelligence briefings,” ayon sa Kalihim.

“Maliwanag na mayroong mali sa loob ng sistema at ang pagpapalit ng mga tauhan ng [NBP] ay hindi ang sagot. Kailangan nating baguhin ang lokasyon, baguhin ang kanilang availability, baguhin ang kanilang accessibility para ‘yung communication sa outside world is curtailed.”

May ideya aniya ang Pangulo kung sinu-sino ang mga personalidad na ito. RNT