Home METRO Pinakamatandang simbahan sa Diocese of Cabanatuan idineklarang minor basilica

Pinakamatandang simbahan sa Diocese of Cabanatuan idineklarang minor basilica

MANILA, Philippines- Pormal nang idineklara ang National Shrine of La Virgen Divina Pastora bilang Minor Basilica of La Virgen Divina Pastora sa seremonyang pinangunahan ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown kamakailan.

Itinuturing na pinakamatanda at pinakamalaking colonial church sa Diocese of Cabanatuan, naganap ang pormal na deklarasyon tatlong buwan matpos ang anunsyo ng Vatican ng bagong estado ng shrine noong Jan. 23, na nagtakda sa simbahan bilang unang  minor basilica sa lalawigan ng Nueva Ecija at ika-22 sa bansa.

“Certainly, all of these honors that have been bestowed on this church are intended to increase the pastoral functioning of the church so that people come here and pray and receive these gifts of God blessed grace,” pahayag ni Archbishop Brown sa kanyang homily.

Mahigit 20 obispo at dose-dosenang pari ang dumalo sa pagdiriwang na sinaksihan din ng mahigit 2,000 mananampalataya.

Kilala bilang Three Kings Parish, ang makasaysayang simbahan, na naging sikat na pilgrimage site, ay itinayo noong ika-16 siglo matapos itong itatag ng Augustinian missionaries.

Ang kagalang-galang na imahe ng Our Lady of La Virgen Divina Pastora (Divine Shepherdess) ay canonical na kinoronahan noong 1964.

Sa misa, pinangunahan nina Archbishop Brown at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang reenactment ng pontifical crowning ng imahe upang markahan ang ika-60 anibersaryo nito, ayon sa post ng CBCP.

Idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang simbahan bilang isang pambansang dambana noong 1986.

Binigyang-diin ng Papal Nuncio ang kahalagahan ng pagtataas ng simbahan sa isang minor basilica.

“It is a very special and exceptional place. It’s an exceptional honor that is bestowed on certain churches around the world by the Holy Father, by the Supreme Pontiff, to indicate a special link, a special connection with the pope,” sabi ni Papal Nuncio. Jocelyn Tabangcura-Domenden