Home NATIONWIDE Pinal na kaso vs 2 Filipino na iniugnay sa pagkamatay ng mag-asawang...

Pinal na kaso vs 2 Filipino na iniugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese, ilalabas sa March 23 – DFA

MANILA, Philippines – Ilalabas sa Marso 23, 2024 ang pinal na kaso laban sa dalawang Filipino na iniimbestigahan na may kaugnayan sa pagkamatay ng mag-asawa sa Japan.

Kinilala ng mga media outlet sa Japan ang dalawang Filipino na sina Bryan Jefferson Lising dela Cruz, 34, at Hazel Ann Baguisa Morales, 30, na muling inaresto noong Marso 1.

Bago pa nito ay nauna nang naaresto ang dalawa dahil sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawa.

“Maximum ng 23 days, basehan sa Japanese procedure, bago magsampa ng final charges ang piskal sa korte bago matapos ang buwan. Malalaman natin ano ba talaga ang charges, kung talagang murder nga kasi meron daw bagong ebidensya na lumitaw,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nitong Lunes, Marso 4, sa panayam ng Radyo 630.

Ayon sa DFA official, nakita ang DNA ni Morales sa murder weapon at nakadiskubre rin ng ebidensya na bumili ng mga kutsilyo ang Pinay bago ang insidente.

“Asahan natin na magkaroon ng full due process. Sa Japan po kaya matagal ang preliminary investigation, pansin niyo January 19 naka detain sila, kasi sa Japan, ang system dyan matagal mag-investigate para pagdating sa kaso, sa paglilitis mismo sa hukuman – almost 100 percent conviction na, hindi ‘yung magkakamali ang piskal,” paliwanag ni de Vega.

Nang tanungin kung kailan ilalabas ang pinal na kasong isasampa, sinabi ni De Vega na ito ay ilalabas sa Marso 23.

“We will know by March 23 what will be the case in court.” RNT/JGC

Previous articleToni Co, binili ang yate at mansyon ni Willie!
Next articleTINGNAN: Pagsalubong sa National Womens’ Month