Home ENTERTAINMENT Toni Co, binili ang yate at mansyon ni Willie!

Toni Co, binili ang yate at mansyon ni Willie!

Manila, Philippines – Nagbenta na si Willie Revilla ng ilan sa kanyang prized possessions. Kalat na sa social media ang “done deal” na pagbili ng mga ari-ariaan ni Willue.

Ayon sa report, binili ng mayari ng Carrascal Nickel Corporation and president ng Philippine Nickel Industry Association na si Toni Co ang multi-miion peso na yate ni Willie.

Si Toni Co rin daw ang mayari ng Aquatica Boracay.

Weeks ago pa raw naganap ang bayaran ng mga binentang pagaari ni Willie based sa mga litratong kumalat sa socmed recently.

Balitang pati raw ang billion-peso mansion ni Willie sa Tagaytay na matagal ng type ni Co ay nabili na rin ng bilyonaryong negosyante.

Itinuturing na life-saver daw ni Willie si Toni. Ang tsika raw kasi, may problema sa kanyang finances ang TV host.

At ang una niyang ni-let-go ay ang kanyang bonggacious na yate.

Diumano, nahihirapan na raw si Willie sa pang-maintenance ng kanyang yate.

Naniniwala ang mga kritiko ni Willie na pwedeng true na hindi na niya kaya ang maintenance para sa yate since it’s been couple of years na rin na wala siyang programa sa TV.

Pero teka baka naman kasi hindi lang isa o dalawa ang yateng pagmamay-ari ni Willie.

For sure, marami pa yan kaya keri na for Willie na ibenta ang isa.

At ‘wag kalimutan na may helicopter pa si Willie, hah. Over his helicopter, mas tama lang na ang yate na lang amg ibenta niya.

Saka ‘di lang naman daw basta nagbenta si Willie ng yate kay Toni. Trusted na niya siguro yung tao para dito ibenta ang isa sa kanyang prized-possessions.

Mukhang sobrang tiwala nga siguro ni Willie kay Toni Co dahil balita rin na ang bilyonaryong negosyante ang magbabalik sa kanya sa telebisyon at mamamahala ng kanyang career.

Si Co raw ang magpi-finance ng programa niya sa muling pagbabalik nito sa ere.

TV program lang kaya ni Willie ang susuportahan ni Co or pati na sa planong pagtakbo ng TV host sa Senado sa darating na eleksyon?

Just asking. Julie Bonifacio

Previous article5 pulis-Nueva Ecija inireklamo sa pagtatanim ng ebidensya
Next articlePinal na kaso vs 2 Filipino na iniugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Japanese, ilalabas sa March 23 – DFA