Home NATIONWIDE Pinal na listahan ng mga kandidato ilalabas ngayong araw ng Comelec

Pinal na listahan ng mga kandidato ilalabas ngayong araw ng Comelec

MANILA, Philippines – Ilalabas na ngayong araw, Enero 5, ang pinal na listahan ng mga kakandidato para sa midterm elections.

Ang nasabing listahan ang siyang makakasama sa balota na nakatakdang iimprenta para sa midterm elections.

Magsisimula ang ballot printing bukas, Enero 6 ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nauna nang sinabi ni Garcia na sumulat na ang Comelec sa Korte Suprema para ipagbigay alam ang pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota.

Kabilang ang dating kinatawan ng Caloocan na si Edgar Erice at ilang mga national at local aspirants para sa 2025 ang posibleng hindi na makasama sa pinal na listahan ng mga kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden