Home NATIONWIDE Pinalawig na food stamp program tugon sa tumataas na pagkagutom – DSWD...

Pinalawig na food stamp program tugon sa tumataas na pagkagutom – DSWD chief

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pinalawak na “Walang Gutom 2027” food stamp program ang epektibong tugon sa lumalagong ‘food insecurity’ sa bansa.

Tugon ito ng DSWD sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nagpapakita ng pagtaas ng pagkagutom sa mga pamilyang Pilipino.

Dahil dito, binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pinaigting na implementasyon ng food stamp program kasunod ng SWS survey na nagsisiwalat na ang proprosyon ng pamilyang Pilipino na nakararanas ng involuntary hunger ay tumaas mula 17.6% sa second quarter na naging 22.9% sa third quarter ng 2024.

“As we expand the Walang Gutom program from an initial pilot implementation covering 2,300 household beneficiaries in five areas to 300,000 household beneficiaries in 22 provinces in 10 regions, we are confident that this will ease the hunger situation and significantly improve the quality of life for affected families,” ang sinabi ng Kalihim.

“We are committed to addressing this issue head-on. Our goal is to ensure that no Filipino family goes hungry,” dagdag niya.

Habang ang survey ay base sa experiential data at self-assessment, sinabi ni Gatchalian na kinikilala ng DSWD ang pagiging seryoso ng nasabing pigura.

“The department is taking immediate and decisive actions, including enhancements to the nationwide implementation of the Walang Gutom program, to effectively address hunger and poverty across the country,” ani Gatchalian.

Layon naman ng programa ng kagyat na tugunan ang pagkagutom habang binibigyan ang mga benepisaryo ng job skills sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority. 

“We have already identified our target areas where concentration of food-poor families and prevalence of malnutrition are high. And we have already started the redemption of food credits or distribution of food items in these priority sites,” ang tinuran ni Gatchalian.

Sa kasalukuyan, may 180,000 benepisaryo ang naka-enroll, may 80,000 ang nakatatanggap ng monthly food credits na P3,000.

Makatatanggap ang mga benepisaryo ng electronic benefit transfer cards na may lamang P3,000 food credits, na maaaring gamitin para bumili ng nakalistang food commodities.

Samantala, ang flagship initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order No. 44, ipinalabas noong 2023, ang Walang Gutom ay naglalayon na tiyakin ang access sa sapat at masustansyang pagkain habang inaayos ang ‘overall well-being’ ng low-income families sa buong bansa. Kris Jose