Home NATIONWIDE Pinas bilang major shipbuilder target ng gobyerno

Pinas bilang major shipbuilder target ng gobyerno

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa partnership ng Pilipinas sa Cerberus at HD Hyundai na makatutulong sa bansa na maging “biggest shipbuilders” sa buong mundo.

Binati ni Pangulong Marcos ang United States-based firm Cerberus at HD Hyundai Heavy Industries ng South Korea sa pagsasapinal ng kanilang lease agreement sa bahagi ng Agila Subic Shipyard.

”With this initiative of Cerberus and HD Hyundai, we will have a fresh start and a strong foundation in realizing our vision to be amongst the largest and most consequential shipbuilders in the world,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“‘We have established our position as the largest source of competent and able seafarers in the world. The next logical step for us is to ensure that the ships run by Filipinos can also be made by Filipinos,” dagdag na wika nito.

Aniya, ang partnership ay hindi lamang makalilikha ng hanapbuhay kundi magagawang mailipat ang mahahalagang kasanayan at mapagbuti ang posisyon ng Pilipinas sa global market.

Nauna rito, pinuri ng Pangulo ang Cerberus para sa reyalisasyon ng plano nito kabilang na ang interes sa “microelectronics, semiconductors at critical metals.”

Samantala, sinabi naman ng Presidential Communications Office na matapos na makuha ang Agila Subic Shipyard noong 2022, ang kompanya ay hindi lamang nagtatrabaho para sa pasiglahin ang shipyard kundi maging para tulungan ang Philippine Navy na makapagtatag ng isang world-class operating base. Kris Jose