MANILA, Philippines- Pumayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging host country ang Pilipinas para sa Forbes Asia Forum at Forbes Global CEO Conference sa taong 2024.
Inaasahan kasi na magreresulta ito sa “wider exposure” para sa bansa alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na makahikayat ng mas maraming foreign investors.
Nauna rito, nakipagpulong ang Pangulo sa senior executive ng Forbes Media LCC sa Palasyo ng Malakanyang kung saan pumayag siya (Pangulo) sa panukala ng mga ito na magsagawa ng forum at global conference sa fourth quarter ng 2024 sa bansa.
“I hope that we can feature that in this conference and we can show the Philippines as it is now, as opposed to perhaps some of the ideas that people have had almost for a while,” ang sinabi ng Pangulo sa mga top executive ng Forbes.
Sa nasabing komperensiya, nagpulong ang mga global CEOs, tycoons, entrepreneurs, investors, at mga lider para talakayin ang mahahalagang usapin ng “international concern” at magtatag ng bagong partnerships, bigyang-diin ang fireside chat sa pagitan ng senior Forbes editor at lider ng host country.
Ang global conference ngayong taon ay idaraos sa Singapore, sa buwan ng Setyembre, at ang mga bumisitang opisyal ay inimbitahan ang Pangulo na makisali siya sa fireside chat sa panahon ng komperensiya.
“The Forbes Asia Forum, on the other hand, featuring Forbes Asia’s Best Under a Billion and Forbes Asia’s 100 to Watch, will be held in the fourth quarter of this year also in Singapore,” ayon sa ulat.
Ayon sa Pangulo, nakatuon ang pansin ng kanyang administrasyon sa pagpapalakas ng ekonomiya at paghikayat ng mas maraming investment sa iba’t ibang larangan gaya ng “digitalization, energy, connectivity, bureaucratic reforms” at maging ang infrastructure development gaya ng mga kalsada at school buildings.”
Ukol naman sa ekonomiya at kasalukuyang filipinong manggagawa, sinabi ng Pangulo na “I have the Filipino workforce that, for me, is still is going to be, it has been a blessing. You know we have the youngest workforce in the region…they’re very well-trained English speaking (manggagawa).”
Ang kanyang gobyerno, ayon sa Panguo ay gumamit ng “charm offensive” dahil kailangan ng Pilipinas na makipagkumpetensya sa ilang “fastest growing and most energetic economies” sa rehiyon gaya ng Indonesia, Vietnam, China at Japan.
Kabilang naman sa mga opisyal ng Forbes Media LCC na nakipagpulong kay Pangulong Marcos ay Forbes Vice Chairperson Christopher Forbes, Chief Executive Officer William Adamopoulos, Forbes Media Asia Pte. Ltd. Senior Vice President Tina Wee, Regional Director Michelle Ong, at MMPR Media Group, Inc. Country Representative Marie Moñozca. Kris Jose