Home LIFESTYLE Pinas ikalawa sa mga bansa kung saan madaling makahanap ng kaibigan para...

Pinas ikalawa sa mga bansa kung saan madaling makahanap ng kaibigan para sa expats – sarbey

202
0

MANILA, Philippines- Tunay na palakaibigan ang mga Pilipino.

Napatunayan ito sa ulat nitong Linggo, kung saan lumabas sa survey na isinagawa ng Global Expat Network na ikalawa ang Pilipinas sa mga bansa kung saan madaling makahanap ng kaibigan ang expats.

Sumunod ito sa Mexico, nanguna sa listahan. Sinundan naman ito ng Panama, Indonesia, at Costa Rica.

Pagdating sa “local friendship,” ika-apat ang Pilipinas, batay sa internations.org. Sumunod ito sa Costa, Indonesia, at Brazil.

Lumabas din sa survey na dalawa sa limang expats na nainirahan sa Pillipinas ay may kaibigang Pilipino, habang apat kada limang respondents ang nagsabing naramdaman nilang “welcome” at “at home” sila sa Pilipinas.

Gayundin,  69% ng respondents ang nagsabing hindi mahirap makipag-ugnayan sa mga Pilipino, habang 58% ng expats ang nais manirahan sa Pilipinas habambuhay.

“Kapwa is a psychological concept. It’s the feeling of treating other people as if they are part of you. So hindi sila ibang tao. When you invite them into your home, you treat them the way you would want to be treated yourself when you go into another house,” pahayag ng sociologist  na si Ash Presto

“Kasi ‘di naman puwedeng pag sinabing friendly ang mga Pilipino, puwedeng pumunta ang mga expat dito at i-expect nila na lagi silang i-a-accommodate. Kasi ‘di naman din ‘yun healthy for us as a country,” dagdag niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here