MANILA, Philippines – PUPULUNGIN ngayong Miyerkules ng hapon, Pebrero 18 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pangunahing opisyal ng bansa upang tiyakin ang maayos na paghahanda ng pamahalaan para sa pagho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong taon.
Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tatalakayin ng Office of the Social Secretary (SOSEC) ang updates para sa 48th ASEAN Summit Shows sa Mayo 2026, habang magbibigay naman ng ulat ang Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa 49th ASEAN Summit Shows sa Nobyembre 2026.
Kasama sa pulong sina Executive Secretary Ralph Recto, PCO Secretary Dave Gomez, PMS Secretary Elaine Masukat, at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
“Sa ngayon, ASEAN-ready na ang Pilipinas,” ani Castro, na binigyang-diin ang mas pinaigting na hakbang ng administrasyon upang matiyak ang matagumpay na pagdaraos ng biannual summit sa bansa. KRIS JOSE