Home NATIONWIDE Pinas magbubukas ng migrant workers office sa Hungary

Pinas magbubukas ng migrant workers office sa Hungary

MANILA, Philippines- Nakatakdang magbukas ang Department of Migrant Workers (DMW) ng bagong tanggapan sa Hungary.

Ang anunsyo ay isinagawa matapos ang produktibong 8th Philippine-Hungary Political Consultations sa Makati City, sa pangunguna ni Hungarian Foreign and Trade Minister Péter Szijjárto.

“Hungary is home to a fast-growing number of Filipino workers, now numbering around 16,000. I am aware of the appreciation of Hungarians for the high-quality of work provided by our workers and the positive contributions of Filipinos to Hungarian society,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa isang joint press conference.

Inilarawan naman ni Manalo ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa paggawa bilang “very good and excellent.”

Hindi naman nagbigay ng detalye si Manalo ukol sa timeline subalit sinabi na ang pagtatatag ng Migrant Workers Office ay makatutulong na maging maayos ang kondisyon ng mga manggagawang Filipino sa Hungary.

“So, they will be directly now involved in improving their conditions there and also maybe encouraging further Filipino labor there in Hungary,” ayon kay Manalo.

Bukod sa paggawa, pinag-usapan din nina Szijjárto at Manalo ang posibleng avenues para palakasin ang bilateral trade at investments ng dalawang bansa.

Winika ni Manalo na hinikayat ng Manila ang Budapest na tingnan ang pag-invest sa “agriculture, information at communications technology, digital technologies, at water technology” sa Pilipinas at maging sa renewable energy, green metals, electrical vehicle manufacturing, at smart at high-tech light manufacturing.

“Minister Szijjártó and I assured each other of our commitment to advance our bilateral initiatives and to collaborate on regional and international matters of mutual concern,” ayon kay Manalo sabay sabing, “I am confident that we can further strengthen our ties and collaborate for the mutual benefit of our nations.”

Samantala, tiniyak naman ni Szijjártó na, “Hungarian companies will carry out water management investments” sa Pilipinas para maging maayos ang access ng bansa sa potable water.

Ang Hungary aniya ay makikipagtulungan sa Pilipinas upang matiyak na maaari itong makapaghanda para sa pagpapakilala sa nuclear industry nito.

Dagdag pa rito, maipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng scholarships sa Filipino students sa ilalim ng Stipendium Hungaricum Programme.

Maliban kay Manalo, nakipagpulong din ang visiting Hungarian foreign minister kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac. Kris Jose