MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroon pa ring humigit-kumulang P2-bilyong halaga ng standby funds at stockpiles, na makakatulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Kanlaon Volcano noong nakaraang linggo at iba pang kalamidad, sinabi ng ahensya noong Sabado.
Sa isang news forum, sinabi ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao na nakapagbigay na sila ng P14.7 milyong halaga ng humanitarian assistance sa 4,600 pamilya o 42,000 indibidwal sa Western at Central Visayas.
“As we speak ongoing ang DSWD particular our field offices sa pakikipag coordinate sa mga LGUs para maaddress natin or matugunan yung mga pangangailangan nung mga naapektuhan nating kababayan lalong lalo na yung mga nasa evacuation centers,” said Dumlao.
“Tinitiyak ng DSWD as the lead also in camp coordination and camp management in the protection of IDPs na may space spaces for women and children sa lahat ng mga evacuation centers,” dagdag nito.
Kaugnay nito bukod sa mga ito, nangako ang ahensya na tutulong sa mga magsasaka na apektado ng pagsabog. Mayroon itong humigit-kumulang P2-bilyong halaga ng standby funds at stockpiles sa mga central office at field office nito, P1.1 bilyon nito ay para sa family food packs.
“Kasalukuyang nagsasagawa ng rapid damage assessment and needs analysis sa mga probinsya na naapektuhan, sa mga munisipyo at syudad at mula doon ay matutukoy natin kung ano ang nararapat na interbensyon,” ayon sa opisyal.
“Once we get the data that would be the basis naman ng department in determining kung anong appropriate interventions kasi puwede tayong magpahatid ng cash for work, assistance in crisis situations or emergency cash transfer,” dagdag pa nito. (Santi Celario)