Home HOME BANNER STORY Pinas nakikipag-ugnayan sa 3 bansa sa repatriation plans sa Iran

Pinas nakikipag-ugnayan sa 3 bansa sa repatriation plans sa Iran

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tehran sa Azerbaijan, Türkiye, at Turkmenistan para sa posibleng land evacuation ng mga Pilipino sakaling lumala pa ang seguridad sa Iran habang nagpapatuloy ang mga airstrike ng Israel.

Ayon kay Ambassador Roberto Manalo, handa ang embahada sa repatriation kapag iniutos ng Department of Foreign Affairs.

“Nakausap ko na ang mga ambassadors ng mga bayan na iyan dito sa Iran and we will negotiate with them, ani Manalo sa isang interbyu.

“Kung sakaling kinakailangan mag-evacuate over land, we will do it upon the direction of the Department of Foreign Affairs. Definitely, and repatriation naka-ready ang embahada.”

Wala pang naiulat na nasaktan na Pilipino, at mula sa humigit-kumulang 700 Pilipinong rehistrado sa embahada — karamihan ay may asawang Iranian — wala pa ring humihiling na pauwiin.

Nanatiling tensyonado ang sitwasyon at pinapayuhan ang mga kababayan na manatili sa kanilang tahanan.

“So far, safe pa naman kami dito. Of course we are taking great precaution,” dagdag pa ni Manalo.

“Careful kami sa aming movements dito sa Tehran, sa Iran. Maya’t maya ay may dumarating na mga attacks ng Israel. Sa ngayon panay ang aming advice sa mga kababayan to stay put sa kanilang tinitirahan .”

Samantala, isang Pilipino sa Israel ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa retaliatory strike ng Iran.

Ayon kay Ambassador Aileen Mendiola, walo ang nasugatan, anim sa kanila ay nakalabas na ng ospital, at 13 ang humiling ng repatriation. Kasalukuyang sarado ang airspace sa Iran at Israel. RNT