Home SPORTS Pinas olats sa Indonesia sa huling World Cup qualifier

Pinas olats sa Indonesia sa huling World Cup qualifier

MANILA, Philippines – Tinapos ng Pilipinas ang kampanya para sa qualifiers ng Fifa World Cup 2026 na may 2-0 na pagkatalo sa Indonesia noong Martes sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta.

Umiskor sina Thom Haye at Rizky Ridho sa ika-32 at 56 na minuto, ayon sa pagkakasunod-sunod, para harapin ang Pilipinas ang ikalimang pagkatalo nito sa Group F ng second round joint qualifiers para sa World Cup 2026 at Asian Cup 2027.

Nagbigay daan ang panalo para sa Indonesia na umabante sa ikatlo at huling round ng World Cup qualifiers.

Nakakuha lamang ng isang puntos ang Filipino booters matapos ang tabla laban sa parehong koponan ng Indonesia, 1-1, noong Nobyembre sa Rizal Memorial Stadium.

Gayunpaman, hindi nawala ang lahat para sa mga Pinoy, dahil sasabak pa rin sila sa ikatlong round ng qualifiers sa AFC Asian Cup 2027.JC